ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
DOST campaign: 'Juan time', Pinoy time
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Dahil tumatak na ang âFilipino time," sa pagiging late sa appointment, maglulunsad ng kampanya ang Department of Science and Technology (DOST) na tinawag na âJuan Time," upang matanggal ang nakaugaliang pagiging atrasado sa mga lakad. Sa naturang kampanya, mahigpit na ipatutupad ng DOST ang Philippine Standard Time (PST), ang timing system na pinamamahalaan ng PAGASA. Ang DOST-PAGASA ang itinalagang official timekeeper sa Pilipinas mula pa noong 1978 batay sa Section 6 ng Batas Pambansa Blg. 8. âPST, the countryâs official time, sets only one common time in the archipelagoâs more than 7,100 islands," ayon kay DOST Sec. Mario Montejo. âJuan Time reminds Filipinos that keeping to the PST avoids the difficulties of having confusing, unsynchronized time."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Mario Raymundo, chief Time Service Section ng PAGASA, ang oras ay kinukuha sa Global Positioning System kung saan kinokontrol ang rubidium clock na isang atomic clock. Para masunod ang oras na nagmumula sa PAGASA, maglalagay umano ang DOST ng mas maraming standard time sa Metro Manila at susunod sa iba pang lalawigan. Maaari ring i-set ang oras ng mga electronic gadgets na may internet connection at i-set ang time sa URL na ntp.pagasa.gov.ph. Sa pamamagitan ng naturang kampanya,umaasa si Montejo na mababago ang imahe ng tinatawag na âFilipino time," at tuluyan itong maging âon time" sa halip na late. Ang "Juan Time" ay pormal na ilulunsad sa September 30 sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay. - FRJimenez, GMA News

Tags: bagosapinas
More Videos
Most Popular