GMA News Online
Public Affairs
»
Hanep Buhay

Hanep Buhay

Alamin ang sikreto sa pagpapalago ng kita!

September 28, 2011 3:57pm

Tags: Chris Tiu
HANEP BUHAY
October 1, 2011

Isa sa mga sikreto sa pagpapatakbo ng negosyo ay ang masusing paggasta ng kita.

Malalaman ito ni Aling Paula Garcia, may-ari ng isang sari-sari store sa Tondo. Bibisitahin siya nina Chris Tiu, Love Añover at ng Hanep Team, para magbigay ng isa na namang hanep na business makeover para sa masipag nating ka-partner!
BIGAYANG BAYAN: Tindahan ni Aling Paula

Tatlumpu’t limang taon nang biyuda si Aling Paula Garcia, 64 taong gulang. Dahil wala nang katuwang sa buhay, solo niyang itinataguyod ang apong nakikitira sa kaniya. At ang kaniyang gastusin sa pang araw-araw, kinukuha niya mula sa kaniyang munting sari-sari store. Mula sa kakarampot na kita, pingakakasya niya ang buwanang renta na limang daang piso, pagkain, at supplies sa tindahan! Kaya naman walang naiipon si Aling Paula! Paano kaya mapapaikot ni Aling Paula ang kita niya sa tindahan?

May sagot diyan si Love at ang Hanep Team! Sa tulong ng Hapinoy, isang organisasyong tumutulong sa mga small scale industries, tuturuan si Aling Paula kung paano paikutin ang kaniyang pera! At hindi lang iyon, uulanan si Aling Paula ng isang katutak na grocery items, bagong refrigerator at meat products, pati isang bagong U-Load machine! Hanep!

HANEP!: Figlia

Para kay Joey Enriquez, malaking bahagi na ng buhay niya ang paggawa ng sapatos. Mula pa kasi noong 1955, sila na ang isa sa mga respetadong gawaan ng sapatos sa Marikina. Naaalala pa nga ni Joey noong binbayaran pa siya ng 5-10 centavos para lang tulungan ang kaniyang magulang na magtiklop ng shoe box. Ngayon, mula sa pagtitiklop ng kahon ng sapatos, nakapag aral na si Joey ng shoe designing sa New York at nakapaglabas ng sarili niyang tatak ng sapatos: ang Figlia. Matapos ang 25 na taon, may mahigit 50 branches na ng Figlia, Shubizz, M NICOLE by Figlia, at Figliarina sa buong bansa!

Ano nga ba ang dapat malaman sa pagpapatakbo ng isang shoe business at ano ang mga sorpresang naghihintay kay Aling Paula? Abangan lahat ng iyan ngayong Sabado sa Hanep Buhay: ang programang todo-bigay sa inyong pag-asenso!

_______________________________________

It is essential for any business to manage its spending and earnings so that the business can actually save and make a profit.

Unfortunately, most of our small scale entrepreneurs just like Aling Paula Garcia need a little help in this aspect. That’s why Chris Tiu, Love Añover and the Hanep Team are off to give some hanep money tips and surprises to boost Aling Paula’s business!
BIGAYANG BAYAN: Tindahan ni Aling Paula

64 year old Paula Garcia has been a widow for the past 35 years. Now, her life-time partner is her small sari-sari store. With her never ending bills, rent, and a grand child to support, she has to make ends meet from the meager earnings of her store!

But it’s time to set Aling Paula free from her money woes. With the help of Love and the Hanep Team, Aling Paula will be given a free seminar by Hapinoy, an organization which helps train small scale entrepreneurs by giving them smart money tips. Added to this, Aling Paula will be given tons of new groceries, a brand new refrigerator, additional meat products, and her very own loading machine to boot! Hanep!

HANEP!: Figlia

For Joey Enriquez, making shoes has been a very big part of his life. Since the 1950’s his family has already been one of the respected shoe makers in Marikina. Joey still remembers the time when he used to be paid 5-10 centavos for folding shoe boxes! Now, no longer folding shoe boxes, Joey was able to study shoe designing in New York and has created his own shoe brand: Figlia. After 25 years, his brands Figlia, Shubizz, M NICOLE by Figlia, and Figliarina have over 50 branches all over the Philippines!

Watch out for the hanep tips you need to know in running your own shoe business, and the surprises that await Aling Paula all this Saturday in Hanep Buhay: ang programang todo-bigay sa inyong pag-asenso!
Go to comments

Tags: Chris Tiu