Katrina Halili reveals her dream role
Tila nalampasan na nga ni Katrina Halili ang matinding pagsubok na dumaan sa kanyang buhay bunga ng iskandalong nangyari sa kanila noon ni Hayden Kho Jr. Sa isang press conference kamakailan para sa isang brand ng motorsiklo na kanyang iniindorso, isang masayang Katrina ang humarap sa showbiz press. âSobrang happy ako despite ng nangyari sa akin⦠talagang hindi sila nawalan ng loob na kunin pa rin ako na angdami namang pwede pero ako pa rin ang kinuha nila," pahayag ni Katrina sa In The Limelight ng GMA News TV 11 nitong Miyerkules. Dagdag pa ng sexy Kapuso star, maraming bagay ang nagpapasaya sa kanya ngayon at hindi lang daw ito bunga ng pagkakaalis ng medical license ni Hayden.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âWala masaya lang po ako sa buhay ko. Siguro isa yung sa natutunan ko na hindi natin kailangang ma-inspire para magkaroon ng boyfriend. Ma-inspire lang tayo sa buhay natin kasi masarap mabuhay," paliwanag niya. Career daw muna at hindi pag-ibig ang priority ni Katrina. Katunayan, happy daw siya dahil may bago siyang proyektong gagawin. At dahil nalilinya siya sa mga role na kontrabida, tinanong si Katrina mayroon ba siyang dream role? âPwedeng kambal, isang mabait isang ano⦠maldita," natatawang tugon niya. - FRJimenez, GMA News