Misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee, papasukin na rin ang showbiz
Malamang sumabak na rin sa showbiz ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee dahil sa alok na mag-host ito ng isang television show. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabing pinag-uusapan na kung ano ang magiging tema ng show ni Jinkee. Pero kung si Jinkee daw ang tatanungin, nais niyang may tema tungkol sa public service ang show. Ayon sa kanya, okey lang naman daw kay Cong Manny ang pagpasok niya sa showbiz.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âSiya kasi yung parang unang kinausap regarding dun sa show... Yung mga dumarating sa buhay mo blessing kasi âyan⦠na yung ibang tao nga naghahanap ng trabahp. Eh gusto ko rin na may ginagawa ako siyempre," pahayag ni Jinkee sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes. Sa pagpasok niya sa showbiz, ready na kaya siya sa mga mas matinding intriga? âIsasagot ko sa lahat ngingitian ko na lang, tatawanan ko," ayon kay Jinkee. â FRJImenez, GMA News