ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tribute kay Michael Jackson, naging inspirasyon sa coffee table book ng Eat Bulaga!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinuwento ng anak ni Joey De Leon, na si Jako, kung papaano nabuo ang idea na gawan ng coffee table book ang longest running TV show sa Pilipinas, ang “Eat Bulaga! Unang Tatlong Dekada." Sa ginawang panayam ni Erwin Santiago kay Jako na isinulat niya at lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Miyerkules, sinabi ng anak ni Joey na dalawang taon inabot sa pagbuo ng naturang coffee table book na ni-launch last week. Nabuo raw ang idea na gawin ang libro nang mapanood ni Jako ang tribute para sa King of Pop na si Michael Jackson, na pumanaw noong June 2009. "I saw the Michael Jackson tribute and I said, like, 'You know what, it's about time Eat Bulaga! did something for their 30th year," kwento niya. "And me and my dad are kinda coining the term 'Tatlong Dekads From Dabarkads,' patuloy ni Jako sa unang title na kanyang naisip. Pero sa patuloy na pag-iisip ng konsepto para sa tribute sana sa Eat Bulaga!, pumasok na daw sa kanyang isipan ang paglalagay ng mga larawan ng Eat Bulaga!, o photo biography ng show sa nakalipas na mahigit na 30 taon (33 years to be exact na ngayon). "I call it a photo biography, a photo biography of Eat Bulaga! through thirty years—Unang Tatlong Dekada, the first 30 years, the book," aniya. “So, that's why I titled it like that." Ngunit lingid pala sa kaalaman ni Jako, habang sinisimulan na niya ang libro ay mayroon ding libro na ginawa ang mga nasa likod ng Eat Bulaga! para sa silver anniversary ng show, na isinulat nga ni Butch Francisco. "I started writing it, and then I realized, 'You know what, I'm writing from their material anyway, let's get Butch back in the project,' patuloy ni Jako. "So, I had Butch write the material na. And then we both collaborated. "I did all the research and pictures for the book, the design and layout, but Butch did a lot of the writing and it turned out really good. And here we are now, two years after we started, and we're launching a book," pagmamalaki niya. Inihayag din ni Jako na nagtatrabaho siya sa TAPE Inc., ang production company ni Mr. Tony Tuviera na namamahala sa Eat Bulaga! Nagsisilbi siya rito bilang consultant para sa special projects ng kumpanya. Si Jako, 26, ang ikalawa sa tatlong anak ni Joey sa misis nitong si Eileen Macapagal; ang dalawa pa ay sina Jocas at Jio. May dalawa ring anak si Joey sa aktres na si Daria Ramirez—sina Cheenee at Keempee de Leon. Ayon kay Jako, ang paggawa niya ng coffee table book ay isang paraan ng pagbabalik at pagkilala sa mga nagawa ng show, hindi lang sa mga manonood kundi maging sa kanyang buhay. "For me, as a son, you know, I want to be able to give back what they've given me. You know what I mean? This is a show that has given me my education, my... everything. I'm here now because of this show," pahayag ni Jako. "And so I think they deserve everything that they have right now—the success, the coffee table book," sambit niya. “This is just the icing on the cake na lang." Ikinuwento rin ni Jako kung gaano ka-excited ang kanyang ama na si Joey sa naturang libro. Katunayan, lagi raw siyang tinatanong ng ama tungkol sa naturang proyekto sa nakalipas na dalawang taon. "He's been asking me about every little thing about the book. You know, now that he has a copy, seeing the reaction—he was crying, he's overwhelmed...," ayon kay Jako. Bukod kay Joey, ang dalawa pang haligi ng Eat Bulaga! ay ang magkapatid na Vic at Sen Tito Sotto. - FRJimenez, GMA News
Tags: eatbulaga