ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iza Calzado, type gayahin ang private wedding ni Pia Guanio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kung si Iza Calzado ang masusunod, nais daw niyang gawin sa malayong lugar at pribado rin ang kanyang magiging kasal katulad ng ginawa ni Pia Guanio. Sa Showbiz Exclusives ng GMA News TV nitong Miyerkules, pinag-usapan ng mga host na sina Iza, Nelson Canlas at Aubrey Carampel, ang biglaang pagpapakasal nina Pia at Stave Mago noong October 1. Sobrang pili lang ang bisita sa naturang kasalan na hindi pa umabot sa 50 katao. Napaulat pa nga may ilang kaibigan daw ni Pia ang nagtampo nang hindi sila sinabihan sa naturang mahalagang okasyon. Nang tanungin ni Nelson si Iza kung nais rin ba niyang maging private ang kasal nito gaya ng ginawa ni Pia, natatawang sumagot si Iza ng, “Oo." “First of all, ayoko ng stress," bungad na paliwanag ni Iza. “Feeling ko lang, ako kasi yung type ng person mayroon nga lang 20 guests sa bahay two Christmas ago, sobra (stress) hindi ko kaya."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Patuloy pa niya: “What more if you have to look good on special day for you… parang gusto mo maintindihan saka maramdaman ng todo yung gagawin mo. Tapos ang dami- dami niyong bisita, tapos ang dami mong alalahanin before that, hindi talaga." Pero puwede naman daw na magkaroon ng bonggang party pagkalipas na ng kasalan. Dagdag pa ng aktres, nais din niyang gawin sa malayong lugar ang kasal kung saan ang mga piling tao lang sa kanilang buhay ng lalaking pakakasalan niya ang makakasama. Samantala, nitong Lunes ay ikinuwento ni Pia kay 24 Oras anchor Mel Tiangco kung bakit naging sikreto at tila napaaga ang kanilang kasal ni Steve. Matatandaan na sa 24 Oras din unang ipinaalam ni Pia na engaged na sila ni Steve. (Basahin: Pia Guanio shows off engagement ring) Sinabi ni Pia na hindi na sila makapaghintay ni Steve na makasal. Bukod dito, nakita raw niya kay Steve ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa lalaki. “Bukod sa gwapo, napakabait na tao. Kahit pa anong sungit ko o kung anong bratty ko nakakayanan niya," kwento ni Pia. “I didn’t force him kusa siyang sumama sa akin para magkaroon kami ng relationship with God. So natuwa talaga ko dun kasi iilan lalaki lang talaga yung magkukusang-loob na maging ganung kalapit sa Diyos," dagdag niya. - FRJImenez, GMA News