ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Panukalang landfill sa Bulacan, kinontra


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Humigit-kumulang 200 katao, kabilang na ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition at mga residente ng Obando sa Bulacan, ang nagtipun-tipon sa labas ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) nitong Lunes upang magprotesta laban sa pinapanukalang landfill sa probinsiya ng Bulacan. Kasalakuyang nasa ilalim na ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang panukalang ito. Sa pagpasa ng municipal government ng Obando ng Resolution 07-102 nitong Enero, nasimulan na ng Eco Shield Development Corp. ang pagtatayo sa landfill. Ngunit matapos ang ilang buwan ng protesta ng mga residente at environmentalists, napagpasyahan ng DENR nitong nakaraang linggo na pag-aralan muli ang nasabing panukala. Ayon kay Rey Palacio ng EcoWaste Coalition, nagprotesta sila "para marinig ng DENR ang pagtutol namin at magkaron sila ng pag-iisip tungkol dito." Dagdag pa niya, nilalabag ng landfill na ito ang Ecological Solid Waste Management Act. "The site must be chosen with regard for the sensitivities of the community’s residents," aniya. "The landfill's operation [should] not detrimentally affect environmentally sensitive resources." Ayon sa mga nagprotesta, kung itutuloy ang landfill ay lalong lalala ang problema sa pagbaha sa Obando. Bukod dito, maaari rin daw nitong masira ang mangroves at marine ecosystem ng Obando River at Manila Bay Naniniwala ang mga residente na maaaring masira ang kanilang ikinabubuhay kung matuloy ang pagtatayo ng landfill sa 44-hectare area ng fishpens. Pahayag ni Mercy Dolorito, dating barangay chairman ng Salambao: "If you put garbage in the river, it will be like putting garbage on our plates because this is where our food comes from." Nakipag-ugnayan na ang GMA News Online sa DENR, ngunit ayon sa isang opisyal nito, wala pang diskuyon tunkol sa isyu. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News