Akiro ‘Zyrene’ Verano, ‘di naging masaya sa pagtatago ng tunay na damdamin
Inamin ng transgender na dating male teen star at television host na si Akiro Verano (Zyrene na ngayon), na hindi siya naging maligaya noong panahon na itinatago niya ang kanyang tunay na pagkatao. Isa lamang si Zyrene sa mga kalahok ngayon sa Miss Amazing Philippine Beauties 2011, ayon sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Bukod kay Zyrene, kandidata rin sa Ms Amazing Beauties ang look-a-like ni Aubrey Miles na si Imee Lopez Silverio at si Michelle Villa na napagkakamalang si Solenn Heussaff .
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa reining Ms Amazing Beauty Queen na si Belo Ann Francisco, na look-a-like daw ni Angel Locsin, mayroong advantage talaga ang mga katulad niyang may kamukhang artista. Sa tindig, kilos at ganda, talaga naman daw mapagkakamalang babae ang mga gay beauty contestants. Isa sa mga agaw atensyon sa kompetisyon ay si Zyrene na naging kasabayan ni Jhake Vargas bilang co-hosts sa late night variety program na Walang Tulugan With The Master Showman. Kasabay ng pagpasok niya noon sa showbiz, sinabi ni Zyrene na hindi siya ganap na naging masaya dahil itinago niya ang kanyang tunay na katauhan. âNang mag-showbiz po ako wala na akong nagawa. Hindi rin po ako naging happy dahil itinatago ko po yung nararamdaman ko. Kaya nagdecide po ako na magstop na po dito at tsaka i-develop ko ang sarili ko to become a real woman," kwento ni Zyrene. Ayon pa kay Zyrene, kahit mulat na umano ngayon ang lipunan sa mga katulad niyang transgender, madalas pa rin daw silang nakararanas ng diskriminasyon. - FRJimenez, GMA News