Babaeng nakaangkas sa motorsiklo, patay sa aksidente
BALANGA, Bataan – Patay ang isang 28-anyos na ginang nang masagi ng isang trak ang motorsiklo na kanyang inaangkasan, na dahilan para ito matumba at magulungan ng trak ang kanyang ulo sa Dinalupihan, Bataan nitong Miyerkules.
Kinilala ang nasawi na si Shierwina Abrasado, 28-anyos, residente ng Brgy Bacong, Hermosa sa Bataan. Sugatan naman ang anak niyang si Juri Stephen, 2-anyos, na kaangkas din sa motorsiklo.
Nagtamo rin ng sugat sa paa at tuhod ang nagpapatakbo ng motorsiklo na si Cristina Timpog, 34-anyos, matandang kapatid ng nasawi.
Batay sa nakalap na impormasyon, pauwi na at binabagtas ng mga biktima ang Gapan-Olongapo Road sa Brgy Saguing sa Dinalupihan, nang biglang mag-overtake isang delivery trak ng gulay at prutas nitong Miyerkules ng umaga.
“Panay ang kanta ng bata na nasa gitna naming magkapatid kaya marahan lamang ang takbo ko sa shoulder ng kalsada nang mag-overtake ang trak sa linya namin at masagi nito ang kapatid ko," sabi ni Timpog.
Natumba ang motorsiklo at bumagsak ang tatlo pero minalas na nasagasaan ng gulong ng trak ang ulo ni Shierwina na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Isinugod ang tatlo sa Bataan Peninsula Hospital sa Dinalupihan ngunit idineklarang dead on arrival si Shierwina.
Itinanggi naman ni Alfredo Buenaventura, 66-anyos, driver ng trak, na siya ang nakasagasa sa biktima. Huminto lamang umano siya dahil sa sigawan ng mga tao.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya sa nangyaring aksidente.-- EE/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement