ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
TMC, naghahanda na para sa mga bibiyahe sa NLEX, SCTEX ngayong Undas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MALOLOS CITY â Handa na ang Tollways Management Corporation (TMC) sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakayang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kaugnay sa paggunita ng Undas. Snabi ni Benigno Valles, senior manager for corporate communications ng TMC, nagdagdag sila ng 35 toll tellers, mga patrol vehicles, ambulansiya at mga kagamitan tulad ng automatic vehicle locator (AVL). Sa pagtaya ng opisyal, inasahan na ang daily average na 155,000 na sasakyang dumadaan sa NLEX ay madadagdagan ng 10 hanggang 15 porsyento o hindi bababa sa 175,000 mga sasakyan. Inaasahan umano na mararamdaman ang paglobo ng traffic volume simula sa Biyerness ng hapon at maaaring tumagal hanggang Miyerkules sa susunod na linggo kapag nag-uwian na ang mga lumuwas ng mga lalawigan. Magtatalaga rin ng mga ambulant tellers para mamahagi ng toll ticket upang higit na mapabilis ang transaksyon ng mga motorista sa mga toll plaza. âPara pagdating ng sasakyan sa toll booth magbabayad na lang at din na masyadong maabala," paliwanag ni Valles. Sa kabila nito, pinayuhan ni Valle sang mga motorista na maghanda ng eksatong halaga na pambayad sa toll booth. Dapat din umanong planuhin ang pagbiyahe at suriing mabuti ang mga sasakyan bago umalis. - GMA News
More Videos
Most Popular