GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Breast cancer ni Liezl Martinez, nagbalik

October 27, 2011 9:51pm
Kinumpirma ng premyadong aktor na si Albert Martinez na bumalik ang breast cancer ng misis niyang si Liezl na unang natuklasan noong 2008.

Sa panayam ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabi ni Albert na balik muli sila sa simula sa pagharap sa naturang pagsubok na nalampasan nila noong nakaraang taon.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, inihayag ni Albert na start from scratch sila emotionally, financially and planning.




“I don’t want to be on both either pessimistic or optimistic I just want to be right in the middle and be realistic about it," ayon sa aktor.

Taong 2008 nang unang matuklasan ang breast cancer ni Liezl pero gumaling sa sakit ang aktres.

Sa panayam ni Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho noong Enero, ikinuwento ni Liezl ang kanyang mga pinagdaanan para labanan ang cancer.

Ayon kay Albert, sumasailalim muli sa chemotherapy ang kanyang misis at ipinagdarasal niya na malampasan muli ang panibagong pagsubok sa kanilang buhay. -- FJimenez, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus