GMA News Online
Showbiz

Celebrity castaways ng Survivor Philippines, makiki-SANIB PUWERSA!

November 3, 2011 7:54pm
Mahigit isang buwan matapos manalasa ang sunod-sunod na mga bagyong Pedring, Quiel at Ramon sa malaking bahagi ng Luzon, patuloy pa ring bumabangon ang ilan nating mga kababayan.




At ang mga castaways sa pinaka-aabangang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, makiki-Sanib Puwersa kina Mel Tiangco at Arnold Clavio sa pag-aayos sa isang eskwelahan sa Calumpit, Bulacan na matinding sinalanta ng bagyo.

Matutunghayan din ang mga makipigil-hiningang pakikipagsapalaran ng mga ating mga kasama sa Kapuso Foundation para lamang makapaghatid ng tulong sa mga nabiktima ng bagyo, mula Bulacan hanggang Isabela!

Ang Sanib Puwersa na pinangungunahan nina Mel Tiangco at Arnold Clavio, ay mapapanood ngayong Linggo, 9:15pm sa GMA 7. -- FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus