ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Si Ogie o si Regine: Sino ang kamukha ni ‘Baby Nate’?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang nagkwento si Ogie Alcasid tungkol sa biglaang panganganak ng misis niyang si Regine Velasquez. Sino nga ba sa kanila ang kamukha ni Nathaniel James o “Baby Nate?" Sa panayam ni showbiz reporter Nelson Canlas, sinabi ni Ogie na nasa set siya ng Daldalita nang matanggap ang tawag ni Regine para ipaalam na paanakin na siya sa pamamagutan ng cesarean operation. “I knew for a fact na malapit na ‘to, pero hindi ko naman inaasahan na yung gabing yun din. So nasa set ako ng Daldalita sabi niya, ‘hon ooperahan na ‘ko.’ Sabi ko, ‘ha?!’ kwento ni Ogie sa Unang Balita nitong Huwebes. Nagpunta raw sa ospital si Regine nitong Miyerkules para sa kanyang regular check-up. November 22 pa ang unang due date na itinakda sa kanyang panganganak.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero nang Makita umano ng mga duktor na kakaunti na lamang ang panubigan ni Regine, nagdesisyon na ang mga duktor na huwag ng pauwiin ang Asia’s Song Bird at paanakin na ito nang araw ding iyon. Natataranta man, mula sa set Daldalita ay tinungo ni Ogie ang kanyang mag-ina. Kinunan din daw niya ng video ang paglabas ng kanyang first baby boy. Pero wala raw kapantay ang unang pagkakataon na magtinginan ang kanyang mag-ina. “I could see real happiness excitement, talagang deep joy sa mukha ng asawa ko and priceless yung first tinginan nila, kinunan ko ‘yon," kwento ni Ogie. Nang tanungin kung sino ang kamukha ng bata, sagot ni Ogie, “Alam mo talagang I was so happy and so presently surprise… mukha hong ang gwapo ng anak namin." Inilarawan niya na mistizuhin ang baby, maputi, nakuha ang hugis ng mukha ni Regine, pero kay Ogie naman daw ang korte ng ulo. Nakiusap naman ang mag asawa na sasarilinin muna nila ang mga larawan ni Baby Nate pero ibabahagi rin naman daw ito sa tamang panahon. “Kukunsultahin ko muna ang aking boss (Regine), ‘pag may go signal na kay boss o sige," ayon sa proud daddy na si Ogie. – FRJimenez, GMA News