GMA News Online
Public Affairs
»
Sanib Pwersa

Sanib Pwersa

Toilet Humor sa Sanib Pwersa

November 11, 2011 5:47pm
Sumasakit ang tiyan ng iba sa kakatawa kapag ang usapan, nababaling tungkol sa kalagayan ng mga palikuran.  Pero ang totoo niyan, isa itong lehitimong isyung kailangang seryosohin at. upuan! 

 

Sa katunayan, sa darating na November 19, ipagdiriwang ang World Toilet Day.  Layunin nitong bigyan ng karampatang atensyon ang 2.6 bilyong kataong walang maayos at malinis na palikuran sa buong mundo.

 

Dito sa Pilipinas, marami tayong mga kababayan ang araw-araw na pinoproblema ang kanilang kubeta.  Katulad na lang ng isang pampublikong paaralan sa Malabon kung saan mahigit apat na libong estudyante ang naghahati-hati sa iisang comfort room.  Ang isang komunidad naman sa Navotas, gumawa na lang ng make-shift na mga palikuran para tugunan ang tawag ng kalikasan!  At sa mga liblib na bahagi ng Misamis Oriental, luho nang maituturing para sa kanila ang pagkakaroon ng inidoro.

 

Sa pangunguna ni Mel Tiangco at Arnold Clavio, magsasanib-pwersa ang iba't-ibang sektor ng lipunan para tugunan ang masangsang na problema sa mga palikuran ng ilan nating mga kababayan.  Sanib Pwersa ngayong Linggo na, 945pm pagkatapos ng Protégé!


 

 

People often laugh when they talk about toilet. humor, that is. When in reality, the current state of our public toilets is no laughing matter.

 

This November 19, the whole world will celebrate World Toilet Day. It aims to bring attention to more than 2.6 billion people worldwide who are suffering from the lack of clean and functioning lavatories.

 

In the Philippines, the problem is prevalent in poverty-stricken areas such as Malabon, where a public school has more than four thousand students sharing one comfort room! Another community in Navotas use makeshift toilets to relieve themselves. And in a far-flung area in Misamis Oriental, locals consider it a luxury to have toilets in their area.

 

Be there when Mel Tiangco and Arnold Clavio join forces with other sectors of our society as they try to respond to the stinking state of some of the public toilets in our country.

 

Watch Sanib Puwersa this Sunday, 9:45 p.m. after Protégé!