We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Libu-libong tagasunod ni Fr. Fernando Suarez mula sa ibaât ibang lugar sa Leyte ang dumalo sa misa at panggagamot nito sa Ormoc City. Maaga pa ay nagsisiksikan na ang mga tagasunod ni Fr. Suarez para makapasok sa loob ng Ormoc City Superdome kung saan idinaos ang misa bago pa manggamot. Napuno ng tao ang naturang lugar na tinatayang pwedeng nagkasya ang mahigit walong libong katao. Maraming maykapansanan ang dumalo at mayroon ding dumating sakay ng ambulansya mula sa isang pribadong ospital. Napag-alaman na dapat na mangumpisal muna ang mga magpapagamot bago ito bigyan ng tiket para makapasok sa loob. Nag-umpisa ang pangungumpisal nitong Martes ng hapon at umaga nitong Miyerkules sa sa Saints Peter and Paul Parish. Tulong-tulong ang mga Lay Ministers, Knights of Columbus at iba pang religious sector upang mapaayos ang nasabing aktibidad. May mga ibinebentang rebulto, bandana at iba pang mga souvenir items na binasbasan umano ni Fr. Suarez. â Ronnie C. Roa/FRJ, GMA News