GMA News Online
Pinoy Abroad

Board game tungkol sa kultura’t kasaysayan ng Pinas

November 17, 2011 8:33pm
Dahil sa naimbentong board game ng isang guro sa Cabanatuan, Nueva Ecija, mas mapapadali at mai-enjoy na raw ng mga kabataan ang pag-aaral sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Sa ulat ni GMA News reporter Theresa Andrada, sinabing ang board game na tinawag na Bultong: Laro ng Lahi, ay naimbento ni Cesar Legaspi, guro sa Honorato C Perez High School sa Nueva Ecija.

Ang bultong ay hango umano sa salitang Ifugao na ang kahulugan ay wrestling o pakikipagbuno o pakikipaglaban.

Paliwanag ni Legaspi, ang Bultong ay nilalaro batay sa konsepto upang ipromote ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.




Ang Bultong ay katulad sa board game na “snake and ladder" kung saan naghahagis ng dice ang magkalabang grupo para makausad sa istasyon ng board. Kaakibat ng bawat board station ay mga tanong tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na kailangan masagot ng tama.

Mayroong tagapamagitan na siyang humahawak ng libro na naglalaman ng mga tamang kasagutan. Ang magkatunggaling grupo ay binubuo ng tig-tatlong manlalaro

Ang mga kabataan na nakasubok sa Bultong, sinabing marami silang natutunan sa tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas

Umaasa naman si Legaspi at mga kasamahan niyang guro sa paaralan na makikilala ang naturang board game sa ibang pang lugar sa Pilipinas. -- FRJimenez, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus