ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tagapagsalita: Mrs. Arroyo tanggap na ang kanyang kapalaran
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tanggap na umano ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang kapalaran isang linggo matapos siya arestuhin batay sa utos ng Pasay City Regional Trial Court.
Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Raul Lambino, handa na si Ginang Arroyo na harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
"Tanggap na (niya) na naaresto na siya," ayon kay Lambino sa isang panayam niton Biyernes dwIZ radio.
Dagdag pa ni Lambino, "Malaking bagay ang pagdalaw ng kanyang mga kaibigan at kaalyado upang matanggap ng dating Pangulo ang katotohanan na kailangan niyang harapin."
Samantala, ayon sa isang ulat ng dzBB, natuwa umano ang kampo ni Gng. Arroyo na unti-unti nang bumalik ang gana nito na kumain.
Inaresto si Mrs. Arroyo ng mga tauhan ng Southern Police District habang siya ay naka-admit sa St. Luke's Medical Center (SLMC) sa Taguig City dahil sa kasong electoral sabotage.
Siya ay nananatili sa SLMC mula pa noong nakaraang linggo (ika-15 ng Nobyembre), matapos harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang kanyang pag-alis ng bansa upang magpapagamot.
More Videos
Most Popular