GMA News Online
Ulat Filipino
»
Dagupan

Inang nanggilit ng leeg ng anak sa Pangasinan pormal nang kinasuhan

November 25, 2011 3:32pm

Tags: Pangasinan
Pormal nang sinampahan ng kasong parricide ang inang nanggilit sa leeg ng kaniyang tatlong taong gulang na anak sa bayan ng San Fabaian, Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya.

Mismong ang asawa ng suspek ang nagsampa ng kaso laban dito, ayon ka Police Chief Insp. Domingo Soriano, hepe ng San Fabian Police. 

Hindi pa desidido noon ang asawa ng suspek, dahil mas nais umano niyang dalhin ang suspek sa Baguio City para maipagamot.
 
Pero pagkatapos umanong kausapin ng San Fabian Police station at paliwanagan ang suspek, nagdesisyon na rin ang asawa nitong magsampa ng kaso.
 
Nakiusap na rin ang asawa ng suspek at ama ng biktima sa mga pulis na bantayang mabuti ang kaniyang misis, baka kasi magtangka itong saktan ang kaniyang sarili.
 
Samantala, nakahanda ang Provicncial Social Welfare and Development na tulungan ang pamilya na malampasan ang trahedyang sinapit.

Posible kasing may nararamdamang trauma ang panganay na anak ng suspek na nakatakbo nang gabing maganap ang insidente. — Charisse Victorio, GMA Dagupan 
Go to comments

Tags: Pangasinan



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus