Bagong testigo, idinawit si Gloria Arroyo sa 2007 'poll fraud'
Idinawit ng panibagong testigo si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nag-utos umano kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na siguraduhin ang pagkapanalo ng senatorial bets ng administrasyon sa kanilang probinsya noong 2007 elections.
Sa pagdinig ng Senado nitong Martes, inihayag ng dating election consultant ni Andal Sr. na si Ahmad Mamucao na nakipagkita umano si Gng. Arroyo sa dating Maguindanao governeor at iba pang opisyal nitong Abril 2007.
"The purpose of that separate meeting is the 12-0 [order]. Dun nagsalita siya na kailangan 12-0," ayon kay Mamucao.
Kasalakuyang sumasailalim sa hospital arrest sa St. Luke's Medical Center (SLMC) sa Taguig City ang dating Pangulo matapos maghain ang Commission on Elections (Comelec) ng kasong electoral sabotage laban sa kanya nitong Nobyembre 18.
As of posting time, hindi pa makuha ng GMA News Online ang panig ng kampo ni Gng. Arroyo.
Sa mga naunang ulat, patuloy ang pagtanggi ng kampo ni Arroyo sa mga paratang pagkadawit umano ni Gng. Arroyo sa poll fraud noong 2004 at 2007 elections.
Ayon kay Mamucao, matapos umano ang nasabing pulong, binigyan siya ni dating Maguindanao provincial administrator Norie Unas ng P17,000 at inutusang tumulong sa pagbubuhat ng mga kahon sa Bukidnon.
Si Udas ang unang tumestigo sa umano'y pagkasangkot ni Gng. Arroyo sa sinasabing dayaan noong 2007 polls.
Si Udas ang unang tumestigo sa umano'y pagkasangkot ni Gng. Arroyo sa sinasabing dayaan noong 2007 polls.
Ayon pa rin kay Mamucao, inatasan siyang kitain sina "Rudy" at "Alex." Aniya, pinakilala sa kanya si "Rudy" bilang pinsan umano ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri, na nagbitiw sa kanyang posisyon noong Agosto matapos maglabasan ang mga testigo na nagsabing may dayaan ngang naganap noong 2007 polls, partikular na sa Maguindanao.
Ayon kay Mamucao, kasama ang pamangkin ni Unas, nakarating sila ng Cotabato City at agad na tumungo sa Bukidnon.
Ayon kay Mamucao, kasama ang pamangkin ni Unas, nakarating sila ng Cotabato City at agad na tumungo sa Bukidnon.
Dumating umano sila sa isang warehouse, na mayroong malaking tarpauline ni Zubiri sa tabi nito, kung saan sa unang pagkakataon, pinakilala sa kanya sina Rudy at Alex.
"Pagpasok ko doon pinaatras ko yung trailer, pumasok ako sa bodega. Nakita ko parang gym, boxing gym. Marami pong posters ni Migz Zubiri," aniya.
Aniya, nang kunin na nila ang mga kahon, tinanong ni Mamucao ang kanyang mga kasamahan kung anong nasa loob nito ngunit hindi siya sinagot.
"[Sabi ko] ano po laman ng mga yan, sabi niya pare ikarga mo na lang, wag ka na magtanong, sundin mo na lang ang utos," aniya.
Hindi umano mapigilan ni Mamucao na tumingin sa loob ng mga kahon. Doon niya nakita ang blank ballots, election returns, at certificates of canvass.
Sa kanilang pagbalik sa Manila, kinita ni Mamucao ang political officer ni Gng. Arroyo na si Bong Serrano na kasama ang isang tauhan ni Zubiri na si "Lea."
Binigyan umano siya ni Serrano ng P25,000. Ayon kay Mamucao, maaaring umabot ng P10 milyon ang gastos sa operasyong ito. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement

.jpg)





