GMA News Online NewsTV » Bawal ang Pasaway

Bawal ang Pasaway

Kumusta ang estado ng kalusugan ni Rep. Arroyo?

November 29, 2011 7:15pm
Cervical Spondylotic Radiculopathy at Hypoparathyroidism  ang mga sakit na idinadaing ni  dating pangulo at ngayon ay Kongresista, Gloria Macapagal-Arroyo.  Nitong nakalipas na ilang linggo, ang mga ito ang laman ng headlines.  Nagsala-salabat na ang mga isyu nang harangan ang kanyang pag-alis ng bansa matapos ipasuspindi muna ng Korte Suprema ang pagbabawal sa kanyang magbiyahe.  
 
Marami ang nagsusupetsa na gimik lang ng mga Arroyo ang sakit ni CGMA para makaalis at di na bumalik para harapin ang kasong isasampa laban sa kanya. Pinaninindigan ng kampo ng mga Arroyo na  wala silang ganitong balak at iniisip lang nila ang ikabubuti ng kalusugan ng dating pangulo.  Sa Europa raw nais kumuha ng second opinion ni Misis Arroyo.  
 
Ayon sa ilang mga duktor, hindi naman kailangang magpagamot sa ibang bansa ng dating pangulo. Kaya raw nilang gawin ang bone biopsy  at iba pang kailangan ni Misis Arroyo para gumaling nang hindi lumalabas ng Pilipinas. Ayon sa mga Arroyo, hindi pa nagagawa  ang ganitong proseso sa Pilipinas.
 
Sino ba ang nagsasabi ng katotohanan?  Marami ang naghihinala na pinagmumukhang malala ng mga abogado ni Misis Arroyo ang kanyang sakit upang makakuha ng simpatya.  
 
Cervical Spondylotic Radiculopathy at Hypoparathyroidism.  Constitutional right to travel. Rule of law.  Big words mga kapuso? Mareng Winnie will break it down for you this Wednesday. Maghaharap sina CGMA spokesperson Elena Bautista-Horn at  Dr. Leo Olarte ng Philippine Medical Association. Himayin natin ang tunay na kalagayan ni Gloria Macapagal-Arroyo.  
 
Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie tuwing Miyerkoles, 8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus