ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Piolo at KC, wala raw tensiyon nang mag-show sa Japan, ayon kay K Brosas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilib na bilib ang TV personality na si K Brosas sa ipinakita raw professionalism nina KC Concepcion at Piolo Pascual nang magtanghal sila sa Japan recently. Sa ulat ng Star Bites ng GMA News TV Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ni K na wala raw nakapuna sa kanilang grupo sa Japan na may pinagdadaanang problema sina Piolo at KC na napabalitang nag-break na. “Yung mga ganun na something na problema ‘di ba nakikita ‘yon, eto hindi... Napaka-professional nila at doon ako bumilib talaga," kwento ni K. Sinabi pa ng talented singer-actress-comedienne na walang nakaalam sa kanila sa pinagdadaanan ng dalawa. Wala raw silang nadamang tensyon at naging very smooth ang kanilang show. Idinagdag ni K wala siyang nakitang bakas ng kalungkutan kay KC habang sila ay magkasama kaya naniniwala siyang malalampasan nito ang anumang pinagdadaanan ngayon. “She’s fine and she’s going to be fine. Tuwang-tuwa naman ako kahit papaano ang lola mo (KC) wala kaming ginawa kundi magtawanan ng magtawanan… may mga moments na tumutulala ang lola mo, ginaganun ko huzzz!…uyy!… love you teh," biro ni K kay KC. Pero paminsan-minsan lang naman daw niya ito napupunang nakatulala. Samantala, nagbigay na rin ng payo si Gabby Concepcion sa kanyang anak na si KC tungkol sa pakikipaghiwalay nito kay Piolo. "Maraming challenges sa buhay 'di ba, pero 'yung pinagdadaanan niyang challenge... ewan ko kung mananalo pa siya sa challenge na 'yon," pahayag ni Gabby patungkol sa anak nila ni Sharon Cuneta na si KC. "Life goes on. Let's move forward and forget about the past," aniya. "We only learn from the hurt that happens to us." – FRJimenez, GMA News