ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagpapatupad ng mas murang text rates, ipinauubaya ng Palasyo sa NTC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Ipinauubaya ng Malacanang sa National Telecommunications Commission (NTC) na ipatupad nito ang sariling kautusan sa mga telecommunication companies na ibaba sa 80 sentimos ang singil sa text messages. Ang pahayag ay ginawa ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bunga ng mga reklamo mula sa mga konsumer dahil nanatiling P1 ang singil sa text sakabila ng naunang inanunsyo ng NTC. “Let us allow the NTC to talk to the telcos. The NTC is the governing body, and we want to see what the it will do to enforce the order," paliwanag ni Valte sa panayam ng government-run dzRB radio nitong Sabado. Idinagdag ni Valte na nakikita ng Palasyo na ginagawa ng NTC ang kanilang trabaho tungkol sa nabanggit na usapin. “Tingnan natin at mukhang masigasig ang NTC sa pag-resolve ng problemang ito," anang opisyal. Ang paliwanag umano ng mga telcos na mas mabuting gamitin na lamang ng mga subscribers ang kanilang “unlimited" promos ay dapat na resolbahin ng NTC at telcos. Sa ulat ng 24 Oras nitong Biyernes, sinabi NTC Director Ed Cabarios, na iba ang naging interpretasyon ng mga telco sa ipinalabas nilang kautusan. “Yung kanilang unlimited services ay inextend na across network. Sabi nila ‘yon ang resulta ng pagbaba nung access charge pwede nilang gawing internet load ang kanilang unlimited services... Sinabi rin ng commission na itong pagbaba ng access charge e dapat doon i-reflect dun sa mga regular text," paliwanag ni Cabarios. Sa kautusan na ipinalabas ng NTC, dapat magsimula ang mas mababang singil sa text simula noong Nobyembre 30. Ngunit maraming subscribers na gumagamit ng regular load ang nagulat nang matuklasang hindi nagbago ang text rates.— FRJimenez, GMA News
Tags: text, textrate