ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

May tampo kay Janelle Manahan: Genelyn Magsaysay, itinangging schizophrenic siya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Binabulaanan ni Genelyn Magsaysay na schizophrenic siya gaya ng nakasaad sa inihaing salaysay ni Janelle Manahan, ang nobya ng kanyang pinaslang na anak na si Ramgen Revilla. Sa panayam ni GMA News reporter Saleema Refran, sinabi ni Magsaysay na mayroon siyang depression pero hindi na daw siya umiinom ng gamot sa ngayon. “Hindi po ako schizophrenic, ako po ay mayroong depression. Actually ngayon po wala po akong medicine ngayon. Actually parang feeling ko pinag-pray ni Ramgen na mawalan na rin ako ng depression," pahayag ni Magsaysay sa ulat na lumabas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado. Sa ngayon, sinabi ng ina ni Ramgen na gamot para sa insomnia lamang ang kanyang iniinom para makatulog. Hindi raw inakala ni Gng Magsaysay na ilalagay ni Janelle sa kanyang salaysay ang umano’y matinding alitan ni Ramgen sa kanyang mga kapatid na humahantong sa sakitan. “Nagkaroon lang po ako ng mga question doon dahil hindi ko iniisip na magagawa ni Janelle na magkaroon ng ganung klaseng statement para ho idiin ang aking mga anak at ako," aniya. Kabilang sa insidenteng binanggit ni Manahan sa kanyang salaysay ay ang umano’y pagtutok ni Ramgen ng baril kay Ramona “Mara" Bautista, at pagsakal ng biktima sa isa pang kapatid na si Ragelyn “Gail" Bautista. Nakaaway din umano ni Ramgen ang asawang Turkish ni Ramona, at pati na ang isa pa nilang kapatid na si Ramon Joseph o RJ. Sa kabila ng mga nabanggit na insidente, inilarawan ng abogado ni Manahan na sadyang “istrikto" lamang si Ramgen na minasama umano ng mga kapatid. Sa payo na rin ng mga abogado, sinabi ni Magsaysay na sa korte na lamang nila sasagutin ang naging pahayag ni Janelle. “Nagtampo lang po ako pero behind my mind naman sabi ko rin usually lawyers will prepare the statement for his or her client. So sabi ko baka hindi naman siguro lahat sa kanya nanggagaling, still pinirmahan pa rin niya," anang ginang. Ikinalungkot din daw ni Gng Magsaysay na hindi nila nakita sa Janelle na ilang beses daw nilang sinubukan na bisitahan sa ospital noon pero hindi sila pinahintulutan. Pakiusap ni Magsaysay kay Manahan: “Sana yung puso ni Ramgen maging puso rin ni Janelle na hindi niya sasaktan ang mga kapatid niya kundi poprotektahan pa rin niya." - FRJimenez, GMA News