GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Dec 26 at Jan 2, hindi holiday

December 9, 2011 7:03pm
MANILA – Ipinaalala ng Malacanang na hindi deklaradong holiday ang Disyembre 26, 2011 at Enero 2, 2012, na kapwa pumatak ng Lunes.

Nataon ang Pasko (Dec 25) at Bagong Taon (Enero 1) sa Linggo, na parehong regular holiday.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi kasama sa listahan ng ipinalabas na proklamasyon ng mga holiday ang Dec 26 at Jan 2.

Deklaradong holiday naman ang Dec 30 (Biyernes) na Rizal Day. Samantalang special non-working day ang huling araw ng 2011 na Dec 31, na pumatak sa Sabado.

Sa ulat ng dzBB radio nitong Biyernes, sinabing may karagdagang suweldo na matatanggap ang mga empleyado na papasok sa mga araw na idineklarang holidays. -- GMA News