ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Obispo na pinagbantaang dudukutin, binigyan ng seguridad ng pulisya
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagbigay na ng seguridad ang Baguio City Police kay Baguio Bishop Carlito Cenzon matapos itong makatanggap ng pagbabanta na siya’y dudukutin. Ayon sa pamunuan ng pulisya sa Baguio, nakadamit pangsibilyan ang mga pulis na itinalagang security ng obispo. Sinabi ng pulisya na ang banta kay Cenzon ay natanggap sa pamamagitan ng text message. Humihingi umano ng pera sa obispo ang nagpadala ng mensahe. Tumanggi naman si Cenzon na magpa-interview pa dahil ayaw na raw niyang lumala pa ang isyu. Pero sa kanyang ipinadalang text message sa GMA News, nagpasalamat siya sa itinalagang police security para sa kanya. - GMA News
Tags: bishops, baguiocity
More Videos
Most Popular