'Linlang': Matatanggap mo ba ang katotohanan?
Good day… I just want to share it to you a poem/story of an OFW's who work for many years abroad but the hardship for the sake of her family turned into dust. It's an eye opener to all, and there's a lot of cases like this because some think (family, relatives, and friends) we have a lot of savings/money if we worked abroad (if they only knew). Actually its a simple short film (not yet published... coming soon) It also shows how she lived a simple life and appreciate simple things around her especially the changes/development of her county. Hope you like it, thank you. “LINLANG" ni Maria Paz Samelo Ang pangalan niya ay si Kristina (ikaw, ako, tayo, siya) Isang gurong manggagawa Na nagtatrabaho sa ibang bansa (Thailand) Upang kumita ng pera at buhay ay gumanda Ginawa lahat ng paraan Upang makaipon at mabigyan Nang magandang kinabukasan Ang kapatid na iniwan Sila’y ulila na sa magulang Kung kaya’t kanyang ipinasyang Kumayod at mangibang bayan Nang mabago ang kanilang buhay na kinagisnan Maraming taong ‘di umuwi sa bansang sinilangan Ipinapadala ang pera sa kapatid na pinagkakatiwalaan Ngunit lingid sa kanyang kaalaman Perang pinaghirapan ay napunta sa kawalan Ang kanyang kapatid ay nalulong sa droga Kaya ang ipinapadalang pera ay naglahong parang bula At ang pinapangarap na buhay na maaliwalas Pangarap na lang at balik na lang sila sa Payatas Matatanggap mo ba ang katotohanan? Na minsan kadugo mo pa ang sa iyo ang luminlang? Madali ba ang magpatawad ng ganon na lang? Kung ‘di nila naisip ang dinadanas nating kahirapan sa ibang bayan. Sa ganitong uri ng panlilinlang Pagkakamali ng pamilya di malilimutan Ngunit umiiral pa rin ang pagpapatawad sa puso Dahil likas na mapagpakumbaba at mapagtiwala ang mga Pilipino Ang tulang ito ay nawa’y magpamulat sa ating mga mata Na mga kababayang manggagawa sa ibang bansa Nagtitiis upang kumita ng pera para sa pamilya Nawa’y intindihin at pahalagahan sila sa tuwina. -- GMA News Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!