ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

LGBT, inawitan ang CBCP bilang protesta


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inawitan ng mga miyembro ng grupong Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) ang Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP) upang ihayag ang kanilang hinaing tungkol sa diskriminasyon at pang-aapi. Sa pamumuno ng grupong "Ang Ladlad," sama-sama silang nagtungo sa harapan ng CBCP office sa Intramuros, Maynila suot ang pula at berdeng damit at Santa hat habang hawak ang ilang banner na may nakasulat na "All We Want For Christmas is our Human Rights." Sa himig sa kantang "Pasko Na Naman" at "Jingle Bells," gumawa ang grupo ng kanilang sariling lyrics upang itampok ang usapin ng human rights. Ayon kay Ang Ladlad chairman emeritus Danton Remoto, nais ihayag ng grupong LGBT ang kanilang pagkadismaya sa kahilingan ng CBCP na tanggalin ang sexual orientation at gender identity sa listahan ng punishable forms of discrimination ng Senate Bill 2814 (Anti Ethnic or Racial Profiling and Discrimination Act of 2011). “The CBCP’s proposition is lamentable, defective and thoughtless because it claims that being LGBT is a choice, which makes them ineligible for being protected under the law," nakasaad sa talumpati ni Remoto nitong Huwebes. Kapag inalis ang nasabing probisyong, nangangamba si Remoto na maaaring magdulot ito ng, “hatred, fear and prejudice against LGBT people." “These discriminatory remarks and false claims from the CBCP have negative repercussions on the daily lives of Filipino LGBTS," aniya. Hiniling niya sa Simbahang Katoliko na magbigay ng “recognition of, and respect for" sa karapatan ng mga LGBT lalo na ngayong Pasko. Nitong nakaraang buwan, inaprubahan ng Senado ang panukalang nagbabawal mang-api sa kapwa batay sa kanilang lahi, relihiyon at sexual orientation. Nauna nang inihayag ng CBCP ang kanilang hinaing tanggalin ang diskriminasyon laban sa sexual orientation bilang isa sa mga punishable offenses sa panukalang ito, sapagkat maaari umano itong susi sa legalisasyon ng same-sex marriage sa bansa. -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News

Tags: lgbt, lesbian, gays