GMA News Online News » Nation

Apl.de.ap bibisita sa CDO para tulungan ang mga biktima ng bagyong Sendong

December 22, 2011 9:52pm

Nakatakdang bumisita si Black Eyed Peas rapper apl.de.ap sa Cagayan de Oro sa darating na Biyernes, Dec. 23, upang magbigay tulong sa mga naging biktima ng bagyong Sendong doon.

"I want to go personally and see what I can do to help," ani apl sa isang panayam.

Aniya, naglunsad ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa United States ng isang charity auction upang makalikom ng pondo sa relief operations at rehabilitation ng mga paaralang nasira ng bagyo.

Matatandaang ilang beses nang bumalik sa Pilipinas si apl sa bansa upang ikampanya ang pagpapabuti sa mga pampublikong paaralan.

Sa pagtutulungan ng Apl.de.Ap Foundation at Ninoy and Cory Aquino Foundation, nabuo ang We Can Be Anything na kampanya kung saan tinataguyod ang layuning magkaroon ng de-kalidad na edukasyon sa bansa.

Kasalakuyang kinilala si apl ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa pamamagitan ng BPInoy Award nito na kumikilala sa tagumpay at kagalingan ng overseas Filipinos.

Sa awarding ceremony na ginanap nitong Dec. Dis. 19, nag-alay ng dasal si apl para sa mga biktima ng bagyong Sendong.
 
Sa kanyang acceptance speech, kanyang inihayag: "Now, more than ever, I realize how important it is to give back to my country, particularly those most in need… In turn, it feels good to know that I have my kababayans' support."

Ipagdidiwang ni apl ang Pasko sa Sapang Bato sa Angeles City kasama ang kanyang pamilya. "I’m looking forward to Simbang Gabi and distributing packages of canned goods and rice to the barangays," aniya. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News




advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement