GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Proteksyon ng mga manggagawa ngayong Kapaskuhan ipinag-utos ni PNoy

December 24, 2011 9:59am
Inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Labor and Employment  na siguraduhin na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsunod ng mga private sector employers sa holiday pay rules ngayong Kapaskuhan.

Kaya mahigpit na pinayuhan ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis Baldoz ang mga employer sa pribadong sector na sumunod labor standards at pay rules na ipinag uutos ng pamahalaan ngayong Kapanahunan at sa Bagong Taon.

Batay sa Proclamation No. 84 na inaprubahan ni Pangulong Aquino, ang mga regular holidays ngayong taon ay ang Pasko sa Disyembre 25 at Rizal Day sa Disyembre 30. Ang Disyembre 31 ay tinuring na non-working special day.

Ang  Enero 1, 2012 ay pinroklama ring regular holiday sa buong bansa na nakasaad sa Proclamation No. 295 ng Pangulong Aquino.

Ayon kay Baldoz, inutusan ni Pangulong Aquino ang Labor Department na gumawa ng implementing guidelines para sa mga proklamasyon na ito.

Iginiit ni Baldoz na kasama sa 22-point labor and employment agenda ng administrasyong Aquino ang pangalagaan ang karapatan ng mga manggawa sa buong Pilpinas. — Lui Belmonte /LBG, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus