ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palparan, humiling na ibasura ang kanyang mga kaso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hiniling ni retired Army general Jovito Palparan, kasalakuyang nagtatago at pinaghahanap ng mga awtoridad, sa Bulacan court na ibalik ang arrest warrant at hold departure order na inihain laban sa kanya sa kasong kidnapping. Sa walong-pahinang omnibus motion, hiniling ni Palparan, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Narzal Mallarez, na magsagawa ang Department of Justice (DOJ) ng reinvestigation sa kanyang kaso. Kasalakuyan pang nagtatago si Palparan matapos maglabas ang Bulacan court ng arrest warrant laban sa kanya at tatlo pa niyang kasabwat umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang aktibistang mag-aaral noong 2006.   Sa kanyang omnibus motion, iginiit ni Palparan na wala umano sa orihinal na reklamo ang mga kasong naisampa laban sa kanya. Sa nauna umanong reklamo, inakusahan si Palparan at ang tatlo niyang kasamahan ng kasong rape, serious physical injuries, at arbitrary detention, etc. Ngunit ikinagulat na lamang ni Palaparan nang maghain ang panel ng kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa kanila. Ipinaliwanag naman ng panel na hindi umano maaaring isampa ang mga naunang reklamo laban sa kanila sapagkat, bilang mga sundalo, walang karapatan si Palparan at ang kanyang mga kasamahan na mag-aresto ng mga tao. Ayon naman kay Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, pinuno ng panel of persecutors, "Prosecutors are not bound by what was filed in the complaint. We are bound by facts." Nakasaad sa mosyong ipinasa ni Palparan na nalabag umano ang kanyang karapatan sa due process. Nalabag din umano ang kanyang karapatang malaman ang ugat at sanhi ng mga akusasyong inihain laban sa kanya. Aniya, hindi siya nabigyan ng "opportunity to submit countervailing evidence to squarely refute the charge of kidnapping and serious illegal detention.” Naglaan na ang Philippine National Police (PNP) ng P500,000 pabuya sa kung sino mang makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa pagdakip kay retired Army general Jovito Palparan. Samantala, nagsimula nang magpaskil ng "Wanted Palparan" posters, kung saan mayroong imahe ni Palparan, ang ilang militant rights group upang matulungan ang mga awtoridad sa paghahanap sa pugante. - VVP, GMA News