ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rice importation, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinaiimbestigahan ni Quezon City Congressman Winston Castelo ang tinatawag niyang ma-anomalyang pakikipagsabwatan ng umano'y mga masasamang tao sa National Food Authority-Inter Agency Council para pataasin ang kakulangan ng bigas sa bansa para mapwersa ang gobyerno na mag-import. Naghain si Castelo ng House Resolution 1396 kung saan nabanggit na ang mga taong kasangkot umano sa rice importation ay makakakuha raw ng malaking share sa bawat metric ton ng imported rice. Ayon kay Castelo, hindi makatwiran na saku-sakong bigas ang nabubulok sa loob ng NFA warehouses habang patuloy naman sa pag-i-import ng bigas ang pamahalaan. Dagdag pa ni Castelo, taliwas sa ipinatutupad na transprency at accountability ng pamahalaan ang mga maanomalyang transaction sa rice importation. — Lui Belmonte /LBG, GMA News