Cebu police, nais magpatupad ng special gun ban para sa Sinulog Festival
Bilang paghahanda sa nalalapit na Sinulog Festival sa buwang ito, ipinapanukala ng mga pulis sa probinsya ng Cebu ang posibleng pagkakaroon ng special gun ban sa Cebu City sa panahon ng pagdiriwang. Sa ulat ng Radyo Mo Nationwide (RMN), inihayag ni Cebu City police head Senior Superintendent Melvin Buenafe na makatutulong umano ang gun ban sa pagpababa ng banta sa seguridad. Ayon sa kanya, kasalakuyan pa nilang hinihintay na aprubahan ng Philippine National Police headquarters ang kanilang kahilingan. Samantala, sinabi ni Buenafe dinagdagan na nila ang bilang nga mga pulis na naka-deploy sa mga lugar kung saan magaganap ang mga aktibidad ng Sinulog. Nagaganap ang main festival ng Sinulog tuwing ika-tatlong Linggo ng Enero. Sa naturang festival, itinatampok si Santo Niño, o ang batang Jesus, na patron ng probinsya ng Cebu. "The festival features some the country’s most colorful displays of pomp and pageantry: participants garbed in bright-colored costumes dance to the rhythm of drums, trumpets, and native gongs. The streets are usually lined with vendors and pedestrians all wanting to witness the street-dancing. Smaller versions of the festival are also held in various parts of the province, also to celebrate and honor the Santo Niño," ayon sa opisyal na website ng Sinulong 2012. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News