GMA News Online
NewsTV
»
Reel Time

Reel Time

Si Mang Rudy at ang kanyang mga 'bespren' sa Reel Time

January 6, 2012 5:22pm
REEL TIME
"BESPREN"
Airing date: Jan. 8, 2011

Ilang libong taon na umano ang pambihirang koneksyon ng tao at aso. Isang espesyal na relasyong mas matatag pa minsan sa relasyon ng tao sa kapwa niya tao.
 
Si Mang Rudy Reyes, walang asawa o anak pero may malaking pamilya ng mga aso! Sa kabila ng kaniyang kahirapan sa buhay, nagawa pa niyang umampon ng 14 na aso. Mula sa kakarampot na kinikita sa pagpa-park ng mga sasakyan, pinagkakasiya niya ito upang buhayin ang sarili at ang kaniyang mga alaga.
 
Kung tutuusin, suwerte pa rin ang mga alaga ni Mang Rudy sa pagkakaroon ng isang tatay at kaibigan sa kaniyang katauhan kumpara sa mga asong nasa isang dog pound sa Marikina.
 
Pagkalipas ng anim na araw at hindi sila tinubos ng kanilang mga amo, tiyak na kamatayan ang kanilang kahahantungan.
 
Ito na nga lang ba ang sukling maibibigay sa katapatan at paglilingkod na hatid ng mga  matapat na aso sa kanilang amo?
 
Panoorin ang BESPREN sa Reel Time, ngayong Linggo ng gabi, 8:45PM pagkatapos ng Good News sa GMA News TV Channel 11.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus