ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatay, nakalaboso dahil sa umano'y pananakit sa anak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kalaboso ang isang ama matapos na mahuli umano sa akto na sinasaktan ang pitong-taong-gulang na anak sa Pangasinan. Nahaharap sa kasong child abuse si Ramil Alvarez, 31-anyos, ng Brgy. Lelemaan, sa bayan ng Manaoag sa Pangasinan. Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, walis ang ginamit ni Alvarez sa panggugulpi sa anak. Lango pa umano ito sa alak nang dakpin ng mga pulis. “Pag nakainom yung tatay, binubugbog siya lagi," ayon sa saksi na si Brgy Kagawad Richard Mendoza. Pasa at sugat sa katawan naman ang naging resulta ng umano’y pang-aabuso ni Alvarez sa anak. Hindi naman maiwasan ng lola ng bata na mapaluha sa sinapit ng kanyang apo. “Binubugbog siya, inaawat ko eh nakikialam daw ako. Pag-uwi ko, puro pasa na siya," ayon kay Norma Alvarez, lola ng bata. Magdadalawang taon na umano ang ginagawang pananakit ng ama sa kanyang anak. Ayon kay Celeste Soriano, duty police investigator, minsan na rin naisumbong na inihagis ng ama ang kanyang anak. -- IAndrada/HDomincil/FRJ, GMA News

Tags: childabuse