GMA News Online
Ulat Filipino
»
Talakayan

Guho: Trahedya sa Compostela Valley, pwede pala sanang naiwasan

January 7, 2012 2:30pm

ComVal landslide death toll still at 25 as rescuers search for the missing
ComVal landslide death toll still at 25 as rescuers search for the missing. Rescuers search for victims in Pantukan, Compostela Valley on Thursday after a landslide buried shanty houses in a mining area, killing at least 25 people and leaving more than a hundred missing. Reuters/Philippine Army
Isa na namang malagim na trahedya ang nangyari sa bahagi ng Mindanao. Habang nagluluksa pa ang marami dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong "Sendong," marami na namang buhay ang nawala dahil sa naganap na pagguho ng lupa sa kabundukan ng Compostela Valley.

Sa GMA News TV SONA nitong Enero 5, inalam ni Jessica Soho kay Compostela Valley Governor Arturo Uy kung bakit nangyari ang trahedya na ikinasawi ng hindi bababa sa 30 katao, at ano ang mga maaaring gawin upang hindi na ito maulit.

JESSICA: Sa puntong pong ito, makakausap po natin si Compostela Valley Governor Arturo Uy. Magandang gabi po Governor Uy.

UY: Magandang gabi naman Jessica.

JESSICA: Una ho sa lahat ay nakikiramay po kami sa inyo at doon po sa pamilya ng lahat ng nasawi at nabiktima po ng bagong landslide sa Compostela Valley.

UY: Yeah. Maraming Salamat. Masaklap talaga yung nagyari dito.

JESSICA: Opo. Governo, how do we even begin to solve this problem?

UY: Well it’s a complex problem Jessica noh. If you may recall, last year April nagkaroon din tayo ng landslide sa Panasugan, Pantukan din…

JESSICA: Opo…

UY: And mismo si Secretary Jesse Robredo pumunta sa site and meron na-i-dentify ang MGB (Mines and Geosciences Bureau) doon na isang mining area din. Ito na yung bumuhos ngayon, ini-recommend na ito ng MGB na hindi na talaga pwedeng minahan.

JESSICA: Opo. Paano kaya yung…

UY: I remember Secretary Robredo instruct….

JESSICA: Opo. Paano ho kaya yun Governor, alam ko nga rin po na matagal nang ipinagbawal ang pagmimina diyan. Pero mukhang hindi ho talaga masaway ang mga tao eh, communities na ho ang nag-sprout, hindi na lang pami-pamilya. So may solusyon pa rin ho ba o helpless po ang gobyerno rito po sa sitwasyong ito governor?

UY: Palagay ko meron Jessica. And itong nangyari dito ngayon eh meron tayong ginawang force evacuation dito si Mayor Tok Sarenas dito sa area na ito, but unfortunately parang bumalik ang mga tao.

JESSICA: Hindi ho ba pwedeng totally i-ban ang pagpunta diyan ng mga small-scale miners kasi alam ko na rin ‘yan, nagpunta na rin ako diyan sometime in 1990s ano ho, alam ko walang sistema eh. Walang kamalay-malay doon pala sa ilalim ay puro tunnels na, anytime pwede hong bumigay yun at mag-caved-in. At ‘pag masama rin ang panahon pwedeng-pwede magka-landslide. I think given the fact na matagal na dapat ho ipasara na ‘yan sa small-scale mining, hindi ho kaya Gov?

UY: Well on one-side totoo ang sinabi mo. Mayroon tayong mga old-mining areas na hindi na-regulate talaga like sa Diwalwal at dito sa Pantukan but upon my assumption as governor last 2007, mayroon tayong mining area na na-regulate na talaga.

JESSICA: Itong na-regulate na areas medyo save ho ba yun gov?

UY: Yes safe na ito. Kasi ito na yung ginawang model na small-scale mining area where in hindi na pwedeng maglagay ng bahay, processing plants, mga tindahan yung mga minero doon sa mismong mining site. We designated some areas for commercial and processing plants. So doon lang sila magmina, pagka-gabi, alis na sila.

JESSICA: Ito hong mas malaking areas na bawal may solusyon pa ho kaya? How do we even begin to drive away yung mga communities na nandyan? Kasi I think madaling sabihin, alam ko rin ho na mahirap i-implement.

UY: Totoo ‘yan. Napakahirap na problema. I think we need the help of the national government.

JESSICA: Parang kailangan ho yata ng kamay na bakal o kamay na ginto para solusyunan ho ito, ano ho?

UY: Yeah, totoo ‘yan. In fact we passed an ordinance already this year ang “NO Habitation Policy." Mayroon tayong ginawang mga hakbang pero mayroon talagang matitigas ang ulo, ayaw talagang umalis.

JESSICA: In the meantime ata gov kailangan din ho ng livelihood opportunities para ma-attract ang mga nadodoon na to get out of the area ‘pag may nakita silang opportunities na pagkaka-kitaan.

UY: We are trying to do that but dahil very lucrative yung gold mining Jessica, napakataas ng presyo ng gold ngayon. Kaya yung mga malilit na minero ay kahit medyo delikado ay pupunta talaga sila sa mining area.

JESSICA: In the meantime gov, ano po ang chances ng 100 missing eh makakakita pa tayo ng buhay sa kanila?

UY: Well actually sa palagay ko hindi naman totoo ang 100 plus missing doon. From a reliable source kaninang hapon, pumunta ako sa Pantukan … sa tingin nasa 30-40 na lang ang missing.

JESSICA: Opo, at masama rin ho ang panahon diyan. So, how sure are we na hindi na mauulit itong landslide o walang panibagong caved-in na mangyari?

UY: Yeah totoo ‘yan. Last December pa nag-umpisa ang ulan dito and the last few days meron ding ulan. So since December na tayong nagreminder lahat ng mining areas that they should vacate the area dahil delikado.

JESSICA: Panghuli na po. Gusto ho namin kayong bigyan ng tiyansa na mag-appeal for any kind of help na kailangan na kailangan niyo ho diyan, urgently dyan ho sa inyong lugar sa ngayon. Go ahead Governor Uy.

UY: Well, una sa lahat, maraming salamat doon sa mga nagbigay ng tulong na just ah… bago lang tulad ng PAGCOR, binigyan na tayo ng mga tubig, pagkain. Siguro kaliangan lang naming na konting equipment at chopper to hopefully ferry ang mga pwede pang mag-survive.

JESSICA: Maraming salamat…

UY: Kahit any tulong na ibibigay sa aming probinsya ay magpapasalamat ako.

JESSICA: Maraming salamat Governor Uy. Magandang gabi po sa inyo. -- TBG/FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus