ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Daan-daang laruang baril, kinumpiska sa San Fabian, Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinumpiska ng mga pulis ang daan-daang mga laruang baril na ibinibenta sa ilang mga tiangge sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
 
Mahigpit umanong ipinatutupad ng mga pulis ang pagbabawal sa pagbebenta ng laruang ito, ngunit may mga ilan pa ring lumabag.
 
Ayon sa awtoridad, may masama umanong epekto ang mga laruang baril lalo na sa mga bata.
 
Dagdag pa nito, maaari rin itong gamitin ng mga magnanakaw at masasamang loob sapagkat sa unang tingin, maaaring mapagkamalang tunay na baril ang mga ito.
 
Agad na sinuko ng mga tindera sa mga awtoridad ang kanilang mga paninda. Anila, hindi nila alam na bawal ang pagtitinda ng mga gun replica sapagkat ngayon lamang sila nasita.
 
Dinala sa himpilan ng San Fabian Philippine National Police ang mga tindera kasama ang mga nakumpiskang gun replica.
 
“Let’s see, kasi kahit peke ito, may pananagutan pa rin sila sa batas,”  ani P/C Insp. Ferdinand Lopez, DCOP, San Fabian PNP. — PDLagao/Glam Calicdan/AF/RSJ, GMA News