ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
100 Pinoy crew ng Costa Concordia, naka-uwi na ng bansa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naka-uwi na ng bansa ang ilang mga Pilipinong crew ng Costa Concordia nitong Huwebes, halos isang linggo matapos tumagilid ang barkong kanilang sinasakyan sa Giglio Island sa Italy.
Dumating ang 100 manggagawa sa Ninoy Aquino International Airport nitong 11 a.m. sakay ang Cathay Pacific flight CX-907, ayon sa ulat ng "Balitanghali" ng GMA News TV.
Ayon kay GMA News reporter Saleema Refran, nakasuot pa ng uniporme ang ilang mga crew sapagkat hindi na nila nailigtas ang kanilang mga kagamitan.
Darating naman ngayong Biyernes ng tanghali ang 68 manggagawang Pilipino, ayon sa ulat ni Sam Nielsen para sa radio dzBB.
Karamihan sa mga Pilipino ang nawalan ng kanilang mga kagamitan maliban na sa kanilang mga damit at life vest na kanilang suot nang maisalba sila.
Sa panayam kay "Balitanghali" anchor Raffy Tima nitong Huwebes, inihayag ni Labor Communications Director Nicon Fameronag nitong Huwebes na makatatanggap ng repatriation assistance at ilan pang benepisyo ang mga crewmembers na apektado.
Ayon kay Famerong, nangako na ng tulong ang mga manning agencies, Magsaysay Maritime Corporation at CTI Ocean Crew sa mga apektado.
“Sa ilalim ng kanilang employment contract, babayaran sila ng suweldo at ‘yung ibang benepisyo, kasama ‘yung termination pay saka ‘yung kanilang repatriation expenses” aniya.
Nauna nang inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na mabibigyan ng repatriation assistance ang mga Filipino seafarers, kabilang na ang cash advances para sa pag-uwi sa bansa.
“Other compensation includes payment for loss of personal belongings in the amount provided in the contract, including payment of Injury/sick wages if any seafarer suffers injury as a result of the incident," kanyang idinagdag sa news release sa Official Gazette na website. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular