ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mahigit P130M Grand Lotto jackpot, may tumama kaya?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot sa mahigit sa P130 milyong ang jackpot price para sa draw ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado . Sa draw na isinagawa nitong Sabado ng gabi (Jan 21), ang winning combination sa Grand Lotto ay 13-25-52-37-41-51. Ngunit matapos ang lottery draw na ipinalabas sa PTV4, inihayag na walang nakakuha o tumama sa naturang kombinasyon. Ang premyo ay umabot sa P130,784,439.60 Wala ring nakakuha sa kombinasyon na 31-15-30-26-19-27 para naman sa 6/42 draw na may premyong umabot sa P12,905,150.40. Samantala, ang resulta sa draw para sa 6 Digit na may P1.6 milyong papremyo ay  5-6-3-2-9-4. -- FRJ, GMA News

Tags: lotto, grandlotto