Llamas, pagpapaliwanagin ni PNoy sa alegasyon na namakyaw ng pirated DVDs
Inihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Miyerkules na mayroon mga mas malalaking problema ang bansa na dapat niyang unahin at hindi kasama rito ang usapin ng pirated discs o mga piniratang pelikula.
Ito ang inihayag ni Aquino nang hingan ng reaksiyon kaugnay sa ulat na naaktuhan ang kanyang political adviser na si Sec Ronald Llamas na namakyaw umano ng mga pirated DVDs sa isang mall sa Quezon City.
“Pasensiya na kayo kung hindi ‘yan ang number one sa priority ko dahil merong Makati bomb blast, meron pong nagpatayan na mga mangingisda, merong problema sa Iran," paliwanag ni Aquino sa media matapos bisitahin ang model house sa Iligan City na paglilipatan ng mga nabiktima ng bagyong “Sendong."
“Alam niyo naman yung dami ng problema natin, yung DVD medyo mababa-baba nang konti sa priority natin," idinagdag niya.
Nais umano ni Aquino na makuha ang paliwanag ni Llamas kung ano ang ginagawa nito sa mall nang makita ng isang newspaper editor na nagsulat tungkol sa pagbili umano ng opisyal ng mga pirated DVD.
“Yung unang una, tatanungin ko muna kung ano actually ang ginagawa niya dun dahil yung litratong nakita ko sa Inquirer kanina parang me dinadaanan siya hindi ko naman alam kung DVD, I assume they are DVDs," ayon sa pangulo.
“Sa proseso po natin me dadaanan tayong proseso, tanungin ko muna, 'ito ang accusations sa iyo, ano ang sagot mo?", dagdag niya. “Tapos muna dun tutungo tayo sa kaukulang nakalagay na rules, regulation pero me process na dapat daanan."
Sinubukan pero nabigo ang GMA News Online na makuha ang panig ni Llamas tungkol sa naturang ulat.
Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Chairman Ronnie Ricketts ng Optical Media Board (OMB), sa pagkakasangkot ng isang opisyal ng pamahalaan sa umano’y pagbili ng mga hinihinalang piniratang pelikula.
"Nakakalungkot pero sigurado we'll reach out to him and have a dialogue sana suportahan ang kampanya namin," pahayag ni Ricketts sa panayam ng dzBB radio.
Noong nakaraang taon ay naging kontrobersiyal din ang pangalan ni Llamas matapos mahulihan ng mataas na kalibre ng baril ang kanyang mga tauhan sa loob ng kanyang sasakyan.
Wala si Llamas sa bansa nang mangyari ang naturang insidente pero inulan ito ng puna dahil nailabas ng kanyang mga tauhan ang mga baril kahit wala siya sa bansa. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement