ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10-anyos na nanloob sa isang bahay sa Lingayen, Pangasinan, nahuli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang bagsak ng isang 10-taong-gulang na lalaki matapos mahuling nagnanakaw umano sa isang bahay sa Lingayen, Pangasinan. Kwento ni Robert Dumagas, tatlong beses na umanong nilooban ng menor de edad ang kanyang bahay, at may kasama pa itong dalawang bata na nakatakas. Sa isang maliit na butas ng bahay, sinasabing dumaan ang mga bata. Sa unang panloloob, ang mga pagkain lamang sa refrigerator ang tinangay umano ng mga bata. Sa pangalawang pagkakataon, mga imported na kalapati naman ang kanilang pinag-interesan. Pero sa ikatlong araw, mga alahas na sa kabinet ang kinuha umano ng mga bata. “’Yung mga alahas, itinapon daw sa ilog," ayon kay Dumagas. Ayon kay Barangay Maniboc Chairman Rick Padilla, ilang beses nang nahuli ang mga bata dahil sa pagnanakaw. Sumalang naman sa counselling ang nahuling bata. “Since minor po siya, itu-turn-over po natin siya sa parents. Mayroon po kasing bagong batas ngayon na ang mga nilalagay lang sa Region yung 15 years old and above," paliwanag ni Lorenza Decena, Lingayen MSWD Officer. – JVGabriel/GLCalicdan/FRJ, GMA News