GMA News Online
Ulat Filipino
»
Talakayan

Bakit kailangang isagawa ng DepEd ang 'early registration' para sa ilang mag-aaral?

January 28, 2012 9:51pm
Ano nga ba ang bentahe ng mga mag-aaral na nakapagtala sa isinagawang early registration ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado. Alamin sa panayam ni GMA News TV anchor Jun Veneracion sa isang opisyal ng DepEd sa programang Balitanghali.

Upang maagang mapaghandaan ang susunod na pasukan na School Year 2012-2013, isinagawa ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado ang “one day only" early registration para sa mga mag-aaral na papasok sa pre-school, grade one, at first year high school sa mga pampublikong paaralan.

Narito ang panayam ni Veneracion kay Assistant Secretary Elena Ruiz ng DepEd for Program and Projects sa GMA News TV Balitanghali itong Sabado:

Veneracion: Nangangalahati na po ang araw, kamusta na po ang early registration sa mga incoming kinder, grade one at first year high school students maam?

Asec Ruiz: Maganda naman ang respond ng ating mga parent so far, dun sa mga eskuwelahan na pinanggalingan namin at saka sang-ayon na rin sa reports sa natin sa field. Maraming parents ang nagpatala as early ngayong umaga lalo na sa pre school at saka ang grade one students marami.

Veneracion: Yearly basis ganito po ba kaaga ang registration maam?

Asec Ruiz: Oo, mayroon kaming early registration nung isang taon pa natin sinimulan ‘yan para magkaroon tayo ng pagkakataon na malaman more or less kung ilan ang ating mga bata na papasok sa susunod na school year, nang mapaghandaan natin ang mga pangangailangan natin sa mga silid-aralin at iba pang mga pangangailangan.

Veneracion: Hanggang kailan naman po tatagal ang early registration maam?

Asec Ruiz: Ngayon lang araw na ito hanggang 5:00 pm ang ating early registration. Kaya ang mga parents ipatala na ang kanilang mga anak.

Veneracio: After today, meron pa?



Asec Ruiz: Ang susunod na niyan ay sa regular enrollment ang patanggap dun sa mga nahuli… ‘pag sila’y hindi nakapagpatala ngayon ay maaaring hindi na masunod ang kanilang kagustuhan. Siyempre ang mga parents gusto nila sa paaralang ito, kung puno na, maaaring mairefer sila sa ibang paaralan.

Veneracion: Yung po ang advantages sa paglahok sa early registration na ‘to, makukuha mo yung preference mo?

Asec Ruiz: Oo, kasi siyempre ang gusto mo malapit, may mga school of preference ka eh. Dahil ikaw ay (kabilang sa) early registration, bibigyan natin ng pagpapahalaga yung naging pagpapahalaga nila sa ating panawagan.

Veneracion: Ano po ang mga dapat dalhin?

Asec Ruiz: Wala. Ang tinutukan lang natin ay birth certificate. Gayunpaman kahit kailangan natin ang birth certificate kung wala silang maipakita ngayon, pwede pa rin silang magpatala. Tatanggapin pa rin sila sa registration at ihahabol na lang nila later ang birth certificate.

Veneracion: Pero linawin lang po natin, kapag na-missed nila ngayong araw na ito (ang registration) pwede pa rin po silang mag-enroll?

Asec Ruiz: Pwede pa rin po. Gaya lang ng nasabi ko ay sa susunod na lang na enrollment period, sa regular enrollment period, ‘yan ay sa malapit na pagbubukas ng klase.

Veneracion: Gaano po ang numero ang nakikita niyong magpapatala ngayong araw na ito maam?

Asec Ruiz: Sa ano namin sa pre-school nakikita namin sa 300,000 to 500,000 ang magiging enrollment namin all over the country, dagdag sa enrollment namin last year, mga two percent increase ‘yan sa enrollment sa previous year.

Veneracion: Maraming salamat po sa mga impormasyon, magandang tanghali po. – FRJImenez, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus