ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lacson: Cuevas, dapat ipaliwanag ang 'Palace pressure' na paratang
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihayag ni Senator Panfilo Lacson na kinakailangang ipaliwanag ni retired Justice Serafin Cuevas ang kanyang paratang na pinagbibitiw umano siya ng Malacañang sa legal team ni Chief Justice Renato Corona.
"I think he should be asked to provide the details. That is a serious accusation," inihayag ni Lacson sa GMA News Online nitong Lunes.
Ayon kay Lacson, maaaring masampahan ng indirect contempt ang mananagot sa paratang na ito.
Inilabas ni Lacson ang kanyang pahayag matapos lumabas ang ulat ng Philippine Daily Inquirer kung saan kanyang inihayag na mayroon umanong isang abugado mula sa Palasyo na humiling kay Cuevas na iwanan ang legal team ni Corona.
Nakasaad sa ulat na hiniling umano si Cuevas na gawin ang utos ng Palasyo kapalit ang pagbabasura sa criminal case laban kay dating National Bureau of Investigation chief Magtanggol Gatdula, miyembro ng Iglesia ni Cristo, na kliente rin ni Cuevas.
Pagtanggi ni Cuevas
Sa kabila nito, sa panayam ng radio dzBB nitong Lunes, itinanggi ni Cuevas, head sa defense panel sa paglilitis ni Corona, ang mga paratang sa ulat ng pahayagan.
Giit ni Cuevas, wala umano siyang natanggap na utos mula sa Palasyo, na sumusuporta sa pagtanggal kay Corona mula sa posisyon.
"Walang pressure ang Malacañang sa akin, walang pinapadalang tao, di totoo yan, walang katotohanan yan," inihayag ni Cuevas sa radio dzBB.
Epekto sa lumabas na alegasyon
Ayon kay Lacson, hindi umano apektado ang Senado bilang impeachment court sa naging alegasyon, ngunit aminado siyang maaaring maapektuhan ang integridad ng paglilitis sa kasong ito.
"We owe it not only to the defense counsel and the respondent but to the Filipino people as well as to inquire into the llegation and take action on the matter, if and when subatntiated," kanyang inihayag. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular