ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 suspek sa pagpatay kay Ramgen, nag-plead ng 'not guilty'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagharap nila sa kanilang arraignment sa Parañaque City court nitong Lunes, naghain ng not guilty plea ang tatlong suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla.
Ang mga naghain ng not gulity plea sa sala ni Judge Fortunito Madrona ay sina Ryan Pastera, Glaiza Visda at Norween dela Cruz, ayon sa ulat ng radio dzBB.
Matapos nilang maghain ng kanilang plea, itinakda ng korte ang pre-trial ng kaso sa Marso 1, kung saan ihahanda ng prosecution at defense ang kani-kanilang mga ebidensya.
Nadawit sina Pastera, Visda at dela Cruz sa sa pagpatay kay Revilla (tunay na pangalan Ramgen Bautista) sa bahay nito nitong Oktubre.
Kusang sumuko si Pastera sa National Bureau of Investigation nitong unang bahagi ng buwan.
Nauna nang isiniwalat nina Francis Tolisora at Micheal Nartea na inutusan umano ni Pastera sina Visda at De La Cruz upang maghanap ng papatay kay Ramgen. Itinanggi na ito ng tatlo.
Inatake si Ramgen at ang kasintahang si Janelle Manahan sa kanyang bahay sa Parañaque City noong Oktubre 28. Pumanaw si Ramgen matapos masaksak at mabaril. Samantala, nakaligtas naman si Janelle sa kabila ng pagkakabaril sa mukha.
Idinamay naman ng mga pulis ang nakababatang mga kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph o RJ at Ramona na dawit umano sa kaso. Kasalakuyang nasa pangangalaga ng mga pulis si RJ at lumisan naman ng bansa si Ramona.
Nadawit din sa kaso si Maria Ragelyn Gail Bautista, isa ring kapatid ni Ramgen, ngunit nauna na niyang itinaggi ang mga alegasyon. Itinanggi rin ni Genelyn Magsaysay ang pagkadawit ng kanyang mga anak. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: ramgenrevilla
More Videos
Most Popular