Gobyerno, tutulong sa kasong kinakaharap ng asawa ni Sen. Lapid
Handa ang pamahalaan na tulungan ang kabiyak ni Senator Lito Lapid na si Marissa sa pagkakakulong nito sa Estados Unidos dahil sa kasong dollar smuggling. Ito ay tiniyak ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ayon sa ulat ng dzBB. Si. Mrs. Lapid ay naka-house arrest ngayon matapos mahulihan noong Nobyembre 2011 ng $50,000 – limang beses na mahigit sa itinatakda ng US na maaaring dalhin ng isang traveler. Ayon sa DzBB, sinabi ni Valte na bahagi ng trabaho ng Department of Foreign Affairs na tulungan ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na nahaharap sa problema. Dagdag pa nito, sina umano ni Valte na naipaliwanag na ng asawa ng Senador na ang dahilan ng pagdadala niya ng maraming dolyar ay para sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman na katulad ng sakit ngayon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. — Jeeno Arellano /LBG, GMA News