ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Llamas, pinagsabihan ni Ochoa bilang parusa sa isyu ng pirated DVDs


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lusot na si Presidential adviser on political affairs Ronald Llamas sa kontrobersiyal na pagbili umano nito ng mga pirated video discs sa isang mall sa Quezon City. Nitong Sabado, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na pinadalhan na ng memo ng tanggpan ni Executive Secretary Paquito “Jojo" Ochoa si Llamas. Ang tanggapan ni Ochoa ang inatasan ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na magsiyasat sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Llamas na naganap dalawang linggo na ang nakalilipas. “While strictly speaking, the act attributed to you and which you have admitted is not a violation of the law the impropriety of the action is without question. It is not an act expected from a public official," pahayag ni Valte sa pagbasa ng bahagi ng memo sa panayam ng dzRB radio. “(T)aking into account your expression of ‘deep regret’ and your tender of an apology, you are hereby formally admonished... and given a firm reminder that should in the future observe higher degree of circumspection and discretion even in (your) non-official conduct," idinagdag niya. Kasama rin umano sa memo na pirmado ni Ochoa ang pagpayo kay Llamas na huwag gagawa ng mga personal na pagkilos na magiging dahilan para mawalan ng tiwala ang publiko sa pamahalaan. Bago pa man lumabas ang memo, humingi na ng paumanhin si Llamas sa naturang “iskandalo." Kasunod nito ay inihayag naman ni Aquino na nananatili ang tiwala niya kay Llamas at iginiit na hindi naman konektado sa trabaho ng opisyal ang nangyaring kontrobersiya. Sinabi ni Valte na hindi na umano kailangang imbitahan Inquirer/Bandera editor na si Donalea Policar, na siyang nakakita kay Llamas na namakyaw umano ng mga pirated DVDs. “Tingin natin sapat na 'yan tulad ng sinabi sa kanyang explanation. Inamin niya ... so hindi na siya [nag-deny] na nangyari ang insidente," anang tagapagsalita ng Palasyo. Una rito, ilang kongresista ang nagmungkahi na magbitiw na lamang si Llamas dahil sa kahihiyan na idinulot sa gobyerno. Noong nakaraang taon ay nasangkot din sa kontrobersiya si Llamas kaugnay naman sa nakitang mataas na kalibre ng baril sa sasakyan nito. — FRJ, GMA News