ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Chinese-Filipino na suspect sa pagpatay sa GF, binaril ang sarili


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binaril ng isang Chinese-Filipino ang kanyang sarili nitong Sabado matapos siya maaresto dahil sa pagkamatay ng kanyang Chinese girlfriend sa Roxas Boulevard sa Maynila noong nakaraang buwan. Inagaw umano ni Gong Zhu Yan (a.k.a. Win Ke and Jacky Yang), 26, ang baril ng police at binaril ang sarili habang dinadala siya patungo sa city prosecutor's office. Agad siyang dinala sa Philippine General Hospital ngunit idineklara na siyang dead on arrival, ayon sa ulat. Inaresto ng mga pulis si Gong sa kanyang kwarto sa EGI Tower condominium sa Taft Avenue dakong 11:30 nang gabi noong Huwebes. Unang itinanggi ni Gong ang pagpatay sa kanyang girlfriend na si Zhao Chun Lan, ngunit agad din niyang inamin ang krimen matapos ipalabas ang closed-circuit TV footage ng insidente. Kuha ang CCTV footage mula sa gusali ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakikita sa video na nag-aaway sina Zhao at Gong sa labas ng kotse. Pumasok si Gong sa kotse at binangga ang nakatayong kasintahan sa kalsada, agad siyang lumabas ng kotse at pinagsasaksak ang biktima. Agad siyang bumalik sa kanyang sasakanyan at dalawang beses niyang sinagasaan si Zhao at saka tumakas. Namatay si Zhao sa Ospital ng Maynila. Sa imbestigasyon na ginawa ni police senior inspector Joey de Ocampo, lumilitaw na pera ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa. “Ayon sa suspek sinisingil siya ng former girlfriend niya ng mahigit-kumulang P1.3 million na itinakbo niya noong nasa Mainland China sila… yun nga hinabol siya (sa Pilipinas)," ayon kay De ocampo. Idinagdag ng opisyal na pinalilitaw ng suspek na “inunahan" lang niya ang dating nobya dahil nagbanta umano ang biktima na ipapapatay siya at ang kanyang mga magulang. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News