ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNoy, nangako ng govt assistance sa mga apektado ng lindol sa Visayas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Wala pang plano si Pangulong Benigno Aquino III na bumisita sa mga lugar sa Visayas na tinamaan ng lindol, ngunit kanyang tiniyak ang patuloy na pagbibigay suporta ng government agencies sa mga apektadong residente, inihayag ng kanyang tagapagsalita nitong Martes.
“At the moment, the President is concentrating on making sure that the concerned agencies are giving the responses that [are] needed,” inihayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte.
“The President is deeply concerned about our countrymen in the affected areas. He is focused on ensuring that services resume at the soonest possible time,” dagdag ni Valte.
Ayon kay Valte, abala ngayon si Aquino sa kanyang "numerous meetings," ngunit patuloy pa rin ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal at Cabinet members upang masiguro ang pagbibigay ng tulong.
“Ngayong marami siyang meetings, he has asked them (Cabinet members) to constantly update him of the situation,” aniya.
Mahigit 40 katao na ang hinihinalaang patay dulot ng magnitude 6.9 lindol na tumama sa ilang lugar ng Visayas nitong Lunes ng tanghali. Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 15 na ang kumpirmadong patay, habang 52 ang sugatan at 29 pa ang nawawala.
Manatiling kalmado
Ayon kay Valte, nanawagan si Aquino sa mga apektadong residente na manatiling kalmado at makipagtulungan sa mga awtoridad habang inaayos pa ng gobyerno ang mga lugar na napinsala.
Aniya, nagsasagawa na ang NDRRMC, kasama ng lokal na pamahalaan, ng Damage Assessment and Needs Analysis (DANA), na utos ng Pangulo.
Dagdag nito, ipinatawag na rin ni Aquino ang mga response team ng mga nakatalagang ahensya upang tumulong sa mga apektado.
Aksyon ng gobyerno
Kasalakuyang naka-standby ang quick response teams ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nagsimula na ang militar at pulis ng evacuation, search and rescue operations, at pamamahagi ng mga relief good.
Nagsagawa na rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng clearing at re-routing operations sa mga daan at tunay na hindi madaanan.
Ayon kay Valte, isinasagawa na rin ang rehabilitation efforts sa mga napinsalang imprastraktura habang ibinabalik na ng Department of Energy ang kuryente sa mga apektadong lugar.
Dagdag nito, patuloy pa rin ang pag-monitor ng NDRRMC, Office of Civil Defense, Philippine Coast Guard, Philippine Institute of Volcanology and Seismology at sa iba pang mga corresponding regional office sa sitwasyon at pamamahagi sa ng mga advisory sa publiko, partikular na sa mga residenteng naninirahan sa Negros Oriental at Cebu, na kinakailangang bantayan ang sea level changes dala ng aftershocks. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular