ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga taxi driver sa Iloilo, ipapa-drug test


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isasailalim sa drug test ang mga taxi driver sa Iloilo para malaman kung totoo ang ulat na malaking bilang sa kanilang hanay ang gumagamit ng ilegal na droga. Sinabi sa ulat ng GMA News TVs Balita Pilipinas Ngayon, na ang drug test sa mga drayber ay napagkasunduan ng mga miyembro ng Association of Taxi Operator in Panay, Philippine Drug Enforcement Agency at Land Transportation Office. Nais umano ng mga taxi operator na malaman kung totoo ang inanunsyo ng Regional Special Operations Group na 80 hanggang 90 porsiyento ng mga taxi driver sa Region 6 ay gumagamit ng ilegal na droga. Reklamo ng mga taxi operator, malaki ang naging epekto ng naturang anunsiyo sa kanilang negosyo. Iginiit din nila na masusi nilang sinasala ang mga nagtatrabaho sa kanila at kung mayroon mang bumabagsak sa drug test ay hindi naman kasing dami gaya ng inanunsiyo ng operations group. -FRJ, GMA News