ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mula sa flyover: Motorcycle rider, tumilapon, bumagsak sa riles ng MRT


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Share photos on twitter with TwitpicIsang nagmomotorsiklo na bumabagtas sa flyover sa Pasay City ang pinapaniwalaang tumilapon at bumagsak sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) nitong Sabado ng hapon. Kaagad na sumaklolo ang rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority at Pasay City sa biktima na hindi agad nabatid ang pangalan, ayon sa ulat ng dzBB radio. Sinabi sa ulat ng nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at ilang minuto ring naantala ang operasyon ng MRT. Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na binabagtas ng biktima ang Aurora Tramo flyover nang mawalan ng kontrol ang motorsiklo. Hinihina ng mga awtoridad na tumilapon ang sakay nito kaya napunta at bumagsak sa katapat na MRT tracks. "Ang initial report, lalaki tumilapon sa motor galing sa Tramo Flyover, nahulog sa riles ng tren," nakasaad sa tweet ng MMDA, na may kuha rin ng biktima habang nasa riles ng tren. -- FRJ, GMA News