Palasyo, 'di nag-aalala sa bantang weekly protest vs fuel-price hikes
Hindi nag-aalala ang Malacañang sa banta na lingguhang kilos-portesta ng mga militanteng grupo sa sektor ng transportasyon laban sa oil price hikes, ito ang pahayag ng isang tagapagsalita ng Palasyo nitong Linggo.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nagpatupad na ng mga "konkretong" aksyon ang gobyerno upang matugunan ang mga hinaing ng transport sector.
“[Kung] gusto nila ang kilos protesta linggo-linggo, wala tayong magagawa sa kagustuhan nila, karapatan nilang iparinig ang damdamin sa pamahalaan or whoever they are protesting against not necessarily the government," pahayag ni Valte sa dzRB radio.
Samantala, nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Energy sa mga transport leader upang ipaliwanag ang regular na paggalaw presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Iginiit ni Valte na kasalakuyan nang hinaharap ng gobyerno ang mga kahilingan ng transport group, kabilang na dito ang:
“Yan ang concrete na sagot ng ating pamahalaan sa issue na nire-raise ng transport group leaders. Kasama na rin dito ang Pantawid Pasada Program (PPP)," aniya.
Ang PPP, na kilala rin bilang Public Transport Assistance Program (PTAP), ay isang paraan ng gobyerno upang makapagbigay ng "gasoline subsidy" para sa jeepney at tricycle drivers, upang hindi masyado maapektuhan sa pagtaas ng presyo ng langis. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News

- Single ticketing system na na-aprubahan na ng Metro Manila mayors,
- Pagsugpo sa pangongotong sa pamamagitan ng isang hotline na inihanda ng Interior Department, at
- Pagkaroon ng audit team na bubusisi sa mga libro oil firms
Aniya, ang pinakahuling inisyatiba ng gobyerno ay ang utos ng Labor Department na bigyan ng regular na sahod ang mga bus driver.- Pagsugpo sa pangongotong sa pamamagitan ng isang hotline na inihanda ng Interior Department, at
- Pagkaroon ng audit team na bubusisi sa mga libro oil firms
“Yan ang concrete na sagot ng ating pamahalaan sa issue na nire-raise ng transport group leaders. Kasama na rin dito ang Pantawid Pasada Program (PPP)," aniya.
Ang PPP, na kilala rin bilang Public Transport Assistance Program (PTAP), ay isang paraan ng gobyerno upang makapagbigay ng "gasoline subsidy" para sa jeepney at tricycle drivers, upang hindi masyado maapektuhan sa pagtaas ng presyo ng langis. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement